Sa Mt.Apo
Bata pa lamang ako, gusto ko nang maglakbay sa ibat ibang mga tanawin sa Pilipinas.Noon, palagi kong binabasa ang mga tananawing gaya ng Chocolate Hills sa Bohol, Puerto Prinsesa sa Palawan, Banaue Rice Terraces sa Baguio at Boracay sa Aklan.Sa mga bundok ay ang Mt.Mayon,Mt.Makiling lalo na itong Mt. Apo sa Davao.
April 2013,nagbakasyon ako sa Bansalan Mt.Apo kung saan nakatira ang aking mga magulang. Ang kanilang ikinabubuhay doon ay ang pagkakarpentero at pagtatanim ng mga gulay kagaya ng karots, repolyo, petsay,patatas at sibuyas.Malamig doon kahit tanghaling tapat. Hindi ko parin malilimutan ang sariwang hangin na siyang aking binabalik-balikan.
Nagiging bahagi na sa mga manlalakbay ang pagbisita sa Mt.Apo tuwing Simana Santa. Sa Bansalan Trail,mahigit 200 ang bilang ng mga dumadaan doon.Ang aming kapitbahay ay naging bihasa narin sa mga daan sa gubat dahil nagtitinda sila doon sa tuktok tuwing may okasyon.Nagpasya akong sumama sa kanila. Mga biskwit lamang ang aking dala at ang aking kaibigan na ang magbibigay sa akin ng libreng hapunan at tanghalin doon hanggang sa pagbaba.
Matapos ang limang oras sa paglalakbay, nakarating na kami sa unang hantungan ng bundok kung saan may batis na maiinuman . Nagpahinga muna kami hanggang sa nakalipas na 30 minuto, nakarating narin kami sa tuktok.Talagang nakakamangha ang mga tanawin dahil puno ito ng mga mapupulang ubas,mistulang monumentong mga bato at makikita mo ang ibat ibang lugar sa itaas lalo na ang Davao at Digos.Payapa at napakalamig doon.Ang inaabangan ko ay ang pagsikat ng araw dahil lahat ay iyong matatanaw na maliwanag na haring araw at malinis na batis na aming niliguan.
Bumaba kami ng bundok kinaumagahan.Halos tumulo ang aking mga mata sa pagod ngunit napalitan naman ito ng ngiti at puno ng inspirasyon kung papaano ko maibabahagi sa iba ang ganda at kayamanan ng bundok. Lahat ng iyon ay aking binahagi sa aking mga kaklase at tuwang-uwa sila Nangangarap din sila na balang araw makapunta rin sila doon at masilayan ang malaparaisong nakatago sa bundok Apo.
.